Simbahang Katolika handa na sa pagdagsa ng mga deboto sa Traslacion ng Itim na Nazareno sa Naga City

NAGA CITY- Nasa limang libong mga deboto ang tinatayang dumadalo sa mga misa at prosisyon kaugnay ng pagdiriwang ng Pista ng Itim na Nazareno bago ang pandemya at inasahang madaragdagan ito lalo na ngayong halos wala nang restrictions, dadalhin muli sa malaking lugar at dumarami rin ang mananampalataya.

Pinaghandaan na ito ng simbahan at mga otoridad.

Ito ang isa sa mga tinalakay sa Press Conference na pinangunahan ng mga kaparian ng Holy Cross Parish sa Barangay Tabuco.

Read More:  Army seizes seven high-powered firearms from NPA in Caraga

Opisyal na magsisimula ang mga aktibidad kaugnay ng pista sa Dec. 31 sa motorcade ng replica mula St. Joseph Parish, Palsong Bula Camarines Sur. Dirediretso na hanggang sa Enero 9 , 2023 o sa mismong araw ng pista.

Enero 8, magkakaroong Translacion Procession alas-7 ng gabi mula sa Holy Cross Parish hanggang sa Plaza Quezon ng Naga. Iniimbitahan ang mga may replica ng Poon na dalhin ito.

Foot Procession naman ang gaganapin sa Enero 9 o sa araw ng pista ng mapaghimalang Poon. Ibabalik ang image sa Holy Cross Parish 6:30 ng gabi.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Ayon kay Rev. Fr. Eugene Lubigan hindi pa papayagan ang pagdampi ng mga labi sa imahe kundi magkakaroon ng bulak na siyang ipapahid sa imahen at ipapabaon sa deboto.

Sa huli sinabi ni Fr. Eugene na maging inspirasyon sana ang mga pinagdaaanan ng Dios sa pagpasan sa mga pasakit sa buhay.