PDEA 12 lumipat na sa bagong regional office building

KORONADAL CITY- LUMIPAT na sa kanilang bagong opisina sa Prime Regional Center sa Barangay Carpenterhill, Koronadal City ang Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA Region 12 epektibo noong January 3.

Ito ay batay sa public advisory na ipinalabas ng PDEA 12 sa pamamagitan ni Regional Information Officer Katryn Gaye Abad.

Read More:  Active police officer, former soldier arrested in Pangasinan gun sale

Ang naturang edifesyo ay pinondohan P 20 million kung saan ang inaugural blessing nito noong nakaraang taon ay pinangunahan mismo ni PDEA Director General Wilkins Villanueva.

Read More:  Negros Occidental proposes P8.52B budget for 2027, P900M higher than 2026

Kasabay ng kanilang paglipat sa bagong building, updated na rin ang contact numbers ng PDEA 12 sa landline na 878-6649, at hotline numbers 09052233425 at 09226187335.