BFAR muling nagbabala sa panghuhuli at pagkain ng makamandag na alimango

CAMARINES NORTE – Nagbabalang muli ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa publiko sa panghuhuli at pagkain ng makamandag na alimango na namataan sa iba’t- ibang bayan ng Bicol Region kasama na ang karagatang sakop ng Mercedes, Camarines Norte.

Sa gitna ito ng dumaraming nakikitang makamandag na uri nito sa karagatan ng rehiyon na kung tawagin ay devil crab (Zosimus aeneus) at floral egg crab (Atergatis floridus), na parehong kilala bilang “liod” ” o “kaligmata” na mga reef crab.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet sinabi ni Provincial Fishery Officer Rolando Tiam na mayroon nang isang pamilya sa Mindanao na nakakain nito ang namatay lahat dahil sa tindi ng lason na taglay nito.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Namataan umano ang ganitong uri ng alimango sa Barangay Caringo, Mercedes na mas maliit kumpara sa karaniwang kinakain na alimango.

Ang ‘devil crab’ ay may brownish blotches sa mas maputlang background at may mga neurotoxin sa loob ng laman at shell nito na lumalaban sa init o pagluluto.

Inihalintulad ni Tiam ang mapanangib na alimango sa isang ahas na makamandag na kapag hindi agad nadala sa ospital ay tiyak na nakamamatay.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Kaya naman paalala ni Tiam na huwag itong hulihin at kainin dahil masyadong delikado.

Dahil dito mas pinaigting pa umano ng BFAR ang monitoring hindi lang sa karagatng sakop ng Mercedes kundi sa iba pang bayan para malaman kung mayroon pang presensya ng tinaguriang “devil crab.”

Una nang iniulat ng National Stock Assessment Program (NSAP) at BFAR Bicol na maliban sa Mercedes dito sa Camarines Norte nakita ang mapanganib na alimango  sa bayan ng Lagonoy sa Camarines Sur, Cawayan, Masbate at sa Gubat, Bulusan at Matnog sa lalawigan  ng Sorsogon.