NAGA CITY – Isa na ang mga Muslim vendors sa Naga City, lalo na ng mga nagtitinda ng torotot, sa mga umaasang magiging maganda ang bentahan o kikita ngayong bagong taon.
Sa panayam kasi kay Hasim Omar, isang Maranao ng Muslim Community, torotot vendor, matumal kasi sa ngayon ang bentahan ng mga ito na halos sa isang araw hindi umaabot ng isang libo ang kita nila, ito ay marahil sa marami rin ang nagtitinda. Kumpara aniya noong taong 2022, Disyembre 28-29 pa lang, malakas na ang kita.
Ayon pa sa kanya, halos 11 taon na ring siyang nagtitinda ng torotot na ligtas lalo na sa mga bata, na mabibili lamang sa murang halaga katulad ng single layer na nasa P25.00-P35.00 ang isa, P65.00-70.00 naman ang may tatlong layer, mayroon ding de-pump na nasa P100.00 ang isa.