Bentahan ng mga bulaklak sa labas ng Manila South Cemetery, matumal kumpara noong isang taon

Kumpara noong isang taon, mas dumami na raw ang nagtitinda ng mga bulaklak sa labas ng Manila South Cemetery ayon sa mga tindero at tindera.

Kaya ang ilan sa kanila, napapa-iling na lamang dahil sa tumal ng bentahan.

Kaya para mabilis mabenta, nagbababa na ng presyo ang ilang sa kanila.

Read More:  Comelec issues subpoena to contributor in Escudero’s election campaign

Ang 250 pesos na flower arrangement, ibinebenta na ng 200 pesos.

Mabibili naman ang isang balot ng Rados sa halagang 50 pesos.

Ayon sa mga nagtitinda, dumami na ang nagbebenta ng iba’t ibang uri ng mga bulaklak sa labas ng sementeryo kaya marami na silang kakompitensya.

Read More:  Flood control probe pushes through, Baligod and 18 ‘Ex-Marines’ invited

Hindi gaya noong nakaraang taon na October 30 pa lamang bawi na ng ilan ang kanilang puhunan.

Pero kumpara noong isang taon, mas mababa raw ang presyo ng bentahan ng bulaklak ngayon.

Umaasa naman sila na makakabenta pa sila ng mga bulaklak dahil hanggang sa linggo pa ang huling araw ng pagbisita.