Pamunuan ng Libingan ng mga Bayani – tiniyak na 24/7 na bantay-sarado ang pasilidad

Tuloy-tuloy ang pagdating ng mga bumibisita sa kanilang mahal sa buhay na naka himlay sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City.

Sa tala ng Army Support Command na nagbabantay sa LNMB, as of 4 ngayong hapon, nakapagtala na sila ng mahigit 30, 000 visitors.

Mahigpit naman ang ipinatutupad na seguridad sa loob ng LNMB, kung saan lagpas sa tatlumpu ang personnel na nagroronda sa loob ng Libingan.

Read More:  Senate minority walks out over proposed rules change

Ayon kay Lt. Col Elenita Altamirano, Commanding Officer ng Grave Services Unit, Army support Command naka established na ang kanilang ipinatutupad na protocol kahit sa ordinaryong araw, kaya makakaasa anya ang pamilya ng mga nakalibing dito na secured ang kanilang namayapang mahal sa buhay.

24/7 anya ang ginagawa nilang pag roroving para mag inspeksyon sa grave site ng Libingan ng mga Bayani.

Read More:  DepEd completes nationwide orientation on reforms for SY 2026–2027

Idinagdag rin ng opisyal na as is ang ipinatutupad nilang seguridad sa libingan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. kahit merong nagbanta na huhukayin ang labi nito at itatapon sa West Philippine.

Samantala nasa higit 53 thousand ang mga nakalibing sa Libingan ng mga Bayani, kasama dito ang limang dating Pangulo, at 54 na mga Filipino scientist at National Artist.