P10-M halaga ng high grade marijuana o kush, nadiskubre sa isang parcel

Nasamsam ang umaabot sa P10M halaga ng high-grade marijuana o “kush” ng Bureau of Customs-Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) na nakapaloob sa isang parcel.

Sa isinagawang inspkesyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at NAIA Inter-Agency Drug Iinterdiction Task Group (NAIA-IADITG) tumitimbang sa 7,154 gramo ang nasabat na marijuana at tinatayang nagkakahalaga ng P10,015,600.

Read More:  Pulong Duterte says Marcos won because of VP Sara

Isinumete naman sa PDEA ang nasasam na droga para sa karagdagang imbestigasyon at pagsasampa ng kaukulang kaso sa ilalim ng Republic Act No. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at Republic Act No. 10863 (Customs Modernization and Tariff Act).

Read More:  DSWD assures readiness during Habagat season