Handa si Bongbong Marcos na ipagpatuloy ang kampanya ng kasalukuyang administrasyon kontra sa ilegal na droga, sakaling palarin umano siyang manalo sa presidential race.
Ayon kay Marcos, maaring sa ibang paraan umano niya ipatupad ang naturang kampanya, lalo’t nakikita umano niya na ang drug war ay isinasagawa sa enforcement side lang.
Para sa dating senador, kailangan rin tutukan ang prevention, at sa educational process kung saan tuturuan ang mga bata na ang pag gamit ng ilegal na droga ay masama.

Maliban dito, kailangan rin na pagandahin at i-modernize ang rehabilitation center sa bansa, at iwasan ang mga returnees sa naturang treatment facilities.
Samantala, binigyang diin nito na ang mga imbestigador mula sa ICC ay maari lang makapasok sa bansa bilang mga turista, at ang gobyerno ng Pilipinas ay mananatiling non-signatory sa Rome Statute. //MHEL PACIA-TRINIDAD