VP Robredo, nanawagan sa mga taga-suporta na i-respeto at tanggapin ang magiging pinal na resulta ng halalan

NAGA CITY- Anuman ang maging pinal na resulta ng bilangaan sa katatapos pa lamang na Halalan 2022, dapat tanggapin at irespeto.

Ito ang mensahe ni Vice President Leni Robredo nang dumalo sa misa ng pagkakaisa at pasasalamat sa Naga Metropolitan Cathedral kahapon ng hapon.

Aniya batid niya ang kalungkutang nadarama ng mga taga suporta , tiniyak nitong hindi ipagsasawalang bahala ang umano’y nakikitang iriguralidad. Ang pinagdaraanan aniya ngayon ay pwedeng maging susi sa mas mabigat pang pagbabago at laban. Ang laban aniya na kaniyang tinutukoy ay hindi lamang ang manalo sa eleksyon kundi ang laban na maging parte ng good governance.

Read More:  Senate minority ready to challenge Marcoleta’s online attendance proposal

Dagdag ng opisyal kung sa pinal na resulta ay talo siya, hindi ito kabiguan para sa kaniya dahil nakita niya ang suporta sa mga programa para sa sambayanang Pilipino.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Sa misa kahapon, puno ang loob Cathedral pati sa labas sa malawak na patio nagtipon din ang mga mula sa Naga at Camarines Sur.

Mababatid na sa kasalukuyan 16.2M ang lamang ng mahigpit na katunggaling si Ferdinand Marcos Jr.#(JANESSA SAVILLA)