Naga City, sasaklolo na sa kakulangan ng supply ng dugo sa Bicol South Luzon Sub National Reference Laboratory

NAGA CITY- Sasaklolo na ang Naga City sa kakulangan ng supply ng dugo sa Bicol South Luzon Sub National Reference Laboratory- Blood Center  (BSL-SNRL).

Mababatid na inanunsyo ng Department of Health (DOH) –Bicol na kritikal ang supply ng dugo dahil sa kakulangan ng Mobile Blood Donations o MBD.

Pinapayuhan ang lahat ng pasilidad na may blood services na magsagawa na ng kanilang Mobile Blood Donations sa 1st and 4th quarter ng taon.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Ayon kay Naga City Events Protocol and Public Information Office Chief Allen Reondanga, napaglaman nila na pareho ang sitwasyon sa Bicol Medical Center sa lungsod.  Naka Red Alert Status na aniya ang BMC.

Ipinag-utos ni Mayor Son Legacion na magdonate ng dugo ang mga kwalipikadong empleyado ng City Hall, may benipisyo rin para sa kanila.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Ang bawat Miyerkules ay inilaan para sa blood donation drive sa may Roco Library at sinimulan na ito kahapon, bukas ito para sa publiko. 

Ayon sa laboratory,  muli silang maglalabas ng abiso sa publiko kapag maayos at stable na muli ang suplay ng dugo sa naturang blood center.