CAMARINES NORTE- Bumaba na lamang sa 3 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bayan ng Vinzons sa report ng Municipal Health Office na may petsang November 10, 2021.
3 barangay na lamang ang may mga aktibong kaso na kinabibilangan ng Calangkawan Norte, Poblacion 1 at Poblacion III na may tig-iisang kaso
Dahil dito ay tumaas na sa 229 ang bilang ng mga pasyenteng gumaling sa sakit at habang nananatili pa rin sa 20 ang naitalang nawalan ng buhay mula sa 252 total cases na naitala sa bayan ng Vinzons
Samantala, sa kanilang ulat kaugnay COVID-19 Case Facility , as of November 09, 2021 ay kasalukuyang may 3 nakaadmit habang wala ng pasyente na nasa Municipal Isolation Unit (MIU) , gayundin sa Barangay Isolation Unit (BIU) at home isolation
