Mga nabakunahan kontra COVID-19 sa Catanduanes, umabot na sa 22% ng population coverage

BNFM BICOL—Inanunsiyo ng Catanduanes Provincial Health Office na umabot na sa kabuuang 144,633 individuals o 22% ng population coverage sa lalawigan ang nabakunahan na kontra COVID-19.

Sa inilabas na vaccine statistics report ng PHO as of  November 9, 2021, nasa 84,709 individuals o 44% ng current target population ang tumanggap na ng kanilang first dose ng bakuna habang 59,924 na mga indibidwal naman o 31% ng current target population ang fully vaccinated na kontra COVID-19, kabilang ang mga tumanggap ng one-shot Janssen COVID vaccine.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Kaugnay nito, puspusan pa rin ang isinasagawang pagbabakuna sa iba’t-ibang bayan sa probinsya sa gitna ng pagkakasailalim sa MECQ.

Kahapon araw ng Huwebes, isinagawa ang vaccination roll out sa mga barangay ng Lictin at Cabcab sa bayan ng San Andres, habang nagpapatuloy din ang bakunahan sa Catanduanes State University – Gymnasium.

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

Asahang tuloy-tuloy pa ang vaccination effort ng probinsya lalo na at dumating din kahapon  ang 7,500 doses ng Astrazeneca vaccine at 9,400 doses ng Sputnik V mula sa national government.###