Ilang pagluwag sa mga restriksyon sa ilalim ng MGCQ ipapatupad sa Camarines Norte simula November 16

CAMARINES NORTE- Magkakaroon ng pagbabago sa mga panuntunang ipapatupad sa ilalim ng Modified General Community quarantine sa lalawigan ng Camarines Norte

Ang pagluwag sa ilang mga restrictions ay magiging epektibo simula ika-16 ng Nebyembre ngayong taon.

Kabilang dito ang mas pinaikling curfew hours, na magsisimula 12:00 ng hatinggabi hanggang alas 4 ng madaling araw

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Papahintulutan na ring lumabas ang mga bata at menor de edad kung may kasamang magulang o guardian para sa essential services lamang.

Habang Itinaas na sa 70% ang pinahihintulutang seating capacity sa mga pampublikong sasakyan maliban sa mga traysikel na mananatili sa hanggang dalawang pasahero lamang.

Read More:  Iloilo barangay councilor nabbed in buy-bust, ₱2.24M worth of shabu seized

Ipinabatid naman ng Provincial Incident Management Team na sa kanilang mga ilang pagluwag sa restriksyon ay patuloy pa ring ipapatupad ang health standard protocols