Bayan ng Tiwi, Albay umarangkada na sa pagbabakuna ng ‘booster shots’

BNFM BICOL—Inanunsiyo ng lokal na pamahalaan sa bayan ng Tiwi, Albay na umarangkada na ang pagbabakuna ng booster shots sakanilang bayan.

Kaugnay nito inaabisuhan ng LGU ang lahat ng mga residente mula sa naturang lugar na nagnanais nang magpaturok ng booster shots, na mangyari lamang na tumungo sa Tiwi Gymnasium kung saan isinasagawa ang pagbabakuna.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

‘Pfizer’ ang brand ng bakunang abilable para sa booster shots habang maaari ring mag walk in ang mga residenteng tatanggap pa lamang ng ‘first dose’ kung saan Janssen at Sinovac vaccines naman ang inilaan para sa mga edad 18-anyos at pataas o ang adult population.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Patuloy din ang vaccination roll out ng LGU sa mga residenteng kabilang sa ‘pediatric population’ o ang mga batang edad 12-anyos hanggang 17-anyos.

Samantala, batay sa pinakahuling tala ng RHU-Tiwi, umabot na sa 32,491 na mga indibidwal o 81% ng target population mula sa naturang bayan ang nabakunahan na kontra COVID-19.###