BNFM BICOL— Pare-parehong nakapagtala ng bagong kaso ng COVID-19 ang anim na lalawigan sa Bicol kahapon kung saan umabot sa kabuuang 124 na mga bagong kaso ng sakit ang nairehistro batay sa tala ng DOH.
Sa nasabing bilang, nanguna ang Camarines Sur sa may pinakamaraming ‘newly reported cases’ na umabot sa 53, kung saan 16 sa mga ito ang mula sa Naga City; pito sa bayan ng Camaligan; tag-anim ang Cabusao at Iriga City; tig-tatlong kaso ang Bato at Pili; tig-dalawa ang Libmanan at Presentacion habang tag-iisang kaso naman ang naidagdag sa mga bayan ng Bombon Bula, Canaman, Goa, Magarao, Milaor, San Fernando at Sipocot.
Ang probinsya ng Masbate ay mayroong 21 mga bagong kaso kung saan pawang apat ang naitala sa bayan ng Aroroy at Masbate City; tig-tatlong kaso ang mga bayan ng Dimasalang, Mandaon at Uson; dalawa sa Cawayan habang tag-isa naman ang Milagros at Monreal.
Samantala, 19 na kaso naman ang nairehistro sa Albay kung saan 13 sa mga ito ang mula sa Legazpi City; tatlo sa bayan ng Tiwi; dalawa sa Daraga at isa sa Tabaco City.
Umabot naman sa 18 ang bagong kaso ng COVID-19 sa Sorsogon kung saan lima sa mga ito ang mula sa Irosin; tag-apat ang Magallanes at Sorsogon City; dalawa sa Matnog at Prieto Diaz habang isa naman ang mula sa bayan ng Castilla.
Walong kaso naman ang naidagdag sa Camarines Norte kung saan anim nito ang mula sa bayan ng Daet at tag-isang kaso ang mga bayan ng Mercedes at Vinzons.
Naitala rin sa islang lalawigan ng Catanduanes ang apat na mga bagong kaso mula sa mga bayan ng Bato, San Miguel, Viga at Virac.
Isang kaso naman ng sakit ang mula sa Makati City ngunit dito naitala sa Bicol Region.
Bunsod nito, pumalo na sa 47,090 ang kabuuang bilang ng mga naitalang COVID-19 cases sa Bicol kung saan 2,027 sa mga ito ang nananatiling aktibong kaso.
Samantala, nasa 43,064 naman ang COVID-19 recoveries sa rehiyon makaraang maitala ang 59 na mga bagong gumaling kahapon kung saan 55 nito ang mula sa Masbate at apat naman sa Camarines Norte.
Isa naman ang naiulat na bagong nasawi mula sa Camarines Sur kaya sa ngayon ay umabot na sa 1,999 ang COVID-19 death sa Bicol region.###