Bahay ng Alkalde sa Maguindanao pinasabugan

Away politika ang motibo sa pagpapasabog sa tahanan ng isang Alkalde sa lalawigan ng Maguindanao.

Ito mismo ang kinomperma ni Datu Piang Mayor Victor Samama.

Matatandaan na tumama ang dalawang 40 mm high explosives ng M79 grenade launchers sa function hall ng bahay ni Samama.

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case

Swerte naman at walang tinamaan sa pagsabog ngunit nagdulot ito ng takot sa pamilya ng Alkalde at mga kapitbahay.

Malaki ang paniniwala ni Samama na may kinalaman sa nalalapit na halalan o kaaway nya sa politika ang may gawa sa pagpapasabog.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Datu Piang PNP at militar sa magkasunod na pagsabog sa bahay ni Mayor Samama.