Bayan ng Daet muling nakapagtala ng 46 kaso ng COVID-19 sa unang linggo ng bagong taon, 19 dito nagpositibo sa RT- PCR TEST

CAMARINES NORTE- Nakapagtala ng 46 aktibong kaso ng COVID-19 ang bayan ng Daet sa unang linggo ng bagong taon

Base sa ipinalabas na report ng Daet emergency operations Center na may petsang January 07, 2022 biglang sumirit sa 1066 ang total cases ng COVID-19 sa naturang bayan matapos na walang panibagong kaso ang naitala sa huling tatlong linggo ng Disyembre nitong 2021

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

19 sa 46 aktibong kaso ang nagpositibo sa RT-PCR test habang ang 27 dito ay nagpositibo naman sa Rapid antigen test

Sa kasalukuyan ay mayroong 51 pang indibidwal ang under monitoring ng Daet IMT

Ang mga barangay na nakapagtala ng mga nagpositibo sa Rapid antigen Test  ay ang Barangay IV (2) , VI (2) , Alawihao (1) Bagasbas (1), Camambugan (2), Dogongan (1), Gahonon (1), Magang (5) Mambalite at Mancruz (1)

Read More:  Grade 3 student dies after alleged punch by classmate in Davao City

Habang ang mga nagpositibo naman sa Rapid Antigen Test ay nagmula sa mga barangay ng II (1) III, IV (3), VI ( 1), Awitan (1 ),  Camambugan (2), Gubat (1), Lag-On (3),  Magang (3), Mambalite (5),  Mancruz (2), Pamorangon (3), San Isidro (1)