Bayan ng Daet dalawa na lamang ang aktibong kaso ng COVID-19

CAMARINES NORTE- Nasa low risk area na ng COVID-19 cases ang 23 Barangay sa bayan ng Daet matapos na bumaba na sa 2 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa naturang bayan  

Habang ang mga Barangay V at Camambugan ay nasa ilalim ngayon ng Moderate risk

Sa pinakahuling report ng Daet IMT sa pamamagitan ng kanilang emergency operations Center na may petsang February 16, 2022 Mas lalo pang bumagal sa 0.32% ang average daily attack rate ng COVID-19  sa naturang bayan

Read More:  5-year-old boy dies after falling into pit in Davao City

Ang dalawang aktibong kaso ay pawang mga nagpositibo sa RT PCR test at sa walang positibo sa Rapid antigen test

Papataas na man ang bilang ng mga pasyenteng gumaling sa sakit na ngayon ay umaabot na sa 1,269 habang nananatili sa 67 ang mga nasawing positibo sa COVID-19 at 35 ang nasawing COVID Pneumonia Suspect/Probable

Read More:  Duterte slams Tinio over Davao flood complaint, questions Marcos admin silence

Habang 8 na lang ang under monitoring ng EOC

Sa ngayon ay mayroon ng 1,338 total cases ng COVID-19 sa naturang bayan