Mga partially at unvaccinated mula sa labas ng Bicol Region na uuwi sa Naga City kailangan pang mag presenta ng COVID-test  result

NAGA CITY- Kailangan mag presenta ng negative RT-PCR o antigen test Test Result  ang mga partially vaccinated at mga hindi pa bakunadong mula sa labas ng Bicol Region na uuwi sa Naga City.

Ito ang nakasaad sa Executive Order 2022-007 matapos na ibalik sa sa Alert Level 2 ng Interagency Task Force ang quarantine classification ng lungsod kasunod ng pababa ng bilang ng tinatamaan ng COVID-19.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Ipapakita ito sa Barangay Health Emergency Response Task Force para sa impormasyon at monitoring.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Ayon kay Mabolo Punong Barangay Ramil Job, namomonitor nila ang bagong dating sa pamamagitan ng BHERT at mga residente na nagrereport. Kung walang kaukulang dokumento, inaabisuhan na mag quarantine.