CAMARINES NORTE- Matagumpay ng naisagawa sa 3 bayan ng lalawigan ng Camarines Norte ang Demo sa paggamit ng Vote Counting Machine (VCM) bilang bahagi ng paghahanda sa May 2022 National and Local Elections.
Nitong Martes ay isinagawa ang demo sa mga bayan ng San Lorenzo Ruiz at San Vicente habang kahapon ay isinagawa ito sa bayan ng Basud
Kabilang sa mga inimbitahan sa roadshow of VCM demonstrations ay ang mga kandidato, mga magsisilbi sa eleksyon at media.
Nakiisa rin ang mga kapulisan kaugnay ng kanilang mandato na magkaroon ng kaalaman para sa gaganaping botohan ngayong taon. Kasama rin sa mga dumalo ang iba’t ibang deputized agencies, lokal na pamahalaan at mga lokal na opisyal ng mga barangay.
Layon ng aktibidad na ipakita sa publiko ang aktuwal na pagamit ng VCM at ang features and security upang ang mga botante, kandidato at iba pang election stakeholders ay maging panatag sa resulta ng botohan.
Sa naturang roadshow ay ipinakita ng Comelec ang Voter’s Registration Verification Machine (VRVM). Ang VRVM ay customized tablet computer na gagamitin ng Electoral Board para i- verify ang identity ng botante upang masiguro na ang mga registered voters lang ang makakaboto.
Samantala, nakatakda namang isagawa ang roadshow sa bayan ng Mercedes sa susunod na Lunes
