Nagpasalamat si Presidential Communications Office acting Secretary Cesar Chavez sa mabilis na pag aproba ng House of Representatives sa kanilang proposed budget para sa susunod na taon.
Nabatid na mabilis na na-terminate ang plenary deliberation kahapon para sa 2.2 billion na panukalang budget ng PCO.
Ayon kay Chavez, dahil sa tiwalang ipinamalas sa kanila ng mga mambabatas matapos na walang kumontra sa panukalang budget ay mas lalo pang sisikapin ng kanilang opisina na maisakatuparan ang mga proyekto at programang ipinangako nilang paglalaanan ng budget.
Kaya naman makakaasa rin anya ang mga Pilipino na ang bawat sentimong pondo ng PCO ay gagastusin sa tama alinsunod sa itinatakda ng batas.
Nagpasalamat rin ang acting Secretary sa suporta ng mga mambabatas sa mga bagong programa ng PCO.