‘Angels of Death’ member – handang tumulong sa PNP

Handa umanong makipagtulungan sa Philippine National Police ang ilang tumiwalag na miyembro ng Kingdom of Jesus Christ ni Apollo Quiboloy.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo, mga kasamahan umano ito ng unang miyembro ng Angels of Death na hawak na ngayon ng PNP.

Read More:  Remulla denies rumors of Romualdez leaving Quezon City Jail

Sabi ni Col. Fajardo, natatakot sa ngayon ang mga itong magpakita kaya nagkaroon ngayon ng pag-uusap para makakuha pa ng mga impormasyon kaugnay ng sinasabing Angels of Death.

Read More:  Marcos details government preparations for Undas travel surge

Nauna nang sinabi ni Fajardo na pinatotohanan ng dating miyembro ng Angels of Death mga impormasyong nagagamit ang grupo sa pang personal na interest ni Quiboloy at sila umano ay ginagamit na pananakot sa mga biktima nito ng pangaabuso.