Pagprotekta sa kapakanan ng mga journalist – muling tiniyak ni Pangulong Marcos

Tiniyak ni Pangulong Bongbong Marcos na patuloy na nagsisikap ang kanyang administrasyon upang gawing ligtas ang Pilipinas sa mga myembro ng media.

Sa kanyang talumpati sa pagdalo nito sa ika-50 taong anibersaryo ng Publishers Association of the Philippines Inc., sinabi ng Pangulo na dino-doble nila ang kanilang pangako na protektahan ang mga mamamahayag kasabay ng pagtataguyod sa press freedom.

Read More:  NAPOLCOM backs Truth Commission, affirms commitment to accountability

Kaugnay nito, inalala ni Pangulong Marcos ang mga journalist na biktima ng media killings, habang ginagampanan ang kanilang trabaho.

Partikular sina Percival “Percy Lapid” Mabasa, Juan “DJ Johnny Walker” Jumalon, Cresenciano Bundoquin, at iba pa.

Muli ring umapela ang Presidente sa media at sa publiko na sama-samang labanan ang paglipana ng fake news na kasabay ng pa- usbong ng social media.
SOT_PBBM_PAPI

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Hinikayat din ng Punong Ehekutibo ang myembro ng PAPI na patuloy na palawakin ang kahulugan ng pagiging isang mamamahayag sa pamamagitan ng patuloy na pag-innovate, pag-adapt, nang hindi makokompromiso ang kanilang prinsipyo.