Bato, nais na ipabuwag ang party-list system

Nais ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa na tanggalin ang party-list system sa 1987 Constitution, kasabay ng paglalarawan nito sa system bilang “redundant”.

Kaugnay nito, naniniwala si Dela Rosa na ang system ay naabuso na ng ilang politicians.

Read More:  Comelec targets reopening of voter registration in Feb 2027

Sa ilalim ng 1987 Constitution, magko-constitute ang party-list representatives ng twenty percent ng kabuoang bilang ng mga representatives sa Mababang Kapulungan.

Si Dela Rosa ay miyembro ng Senate Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes.

Read More:  Ateneo Law Student Council expresses disappointment over Cayetano

Samantala, maliban sa party-list system, bukas din ang senador sa ideya na amyendahan ang economic provisions sa Konstitusyon.

Binigyang diin nito, na may kaaapruba lang na mga batas na magsisilbi bilang solusyon sa tinatawag na restrictive economic provisions.