Basud ideneklara nang drug cleared Municipality

CAMARINES NORTE- Ideneklara nang drug cleared municipality ang Bayan ng Basud, Camarines Norte.

Ito ay matapos ang isinagawang Assessment Approval and declaration of barangay Drug- Cleared status ng barangay Poblacion 2, ang pinakahuli sa 29 na barangay na ideneklarang drug cleared.

Kabilang sa mga parameters upang ideklarang drug cleared ang isang lugar ay dapat wala itong drug laboratory, drug den at hindi pinamumugaran ng mga tulak at adik.

Kinakailangan ding naka- enroll ang mga drug personality partikular ang mga pusher sa aftercare program ng Lokal na Pamahalaan na siyang nagsisilbing reformatory facility upang tulungan ang isang drug personality na magbagong buhay.

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

Matatandaan na unang tinarget noon na maideklarang Drug Cleared ang naturang bayan bago matapos ang 2020.

Sa kaniyang facebook post, pinasalamatan  ni Mayor Adrian Davoco ang lahat ng mga Barangay Officials sa kanilang pagsisikap na maideklarang drug cleared ang kani- kanilang Barangay.

Pinasalamatan din ng Alkalde ang lahat ng mga naging Chiefs of Police sa naturang bayan simula sa panahon ng noo’y PMajor na ngayon ay PLTCOL Rogelyn Peratero, o sa kasagsagan ng kampanya kontra iligal na droga hanggang sa kasalukuyang liderato ni PMAJ Elezaldy Calingacion.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Gayundin ang dating OIC Municipal Health Officer na si Dr. Tin Iraola na ngayon ay maybahay na ng Akalde.

Nagpasalamat din ang Alkalde kay Municipal Government Operation Officer Coniefer Codia at lahat ng mga naging isntrumento at nagtrabaho para maideklarang drug cleared ang naturang bayan.

Photos courtesy: Mayor Adrian Davoco via FB