NAGA CITY- P6.8M ang halaga ng shabu na nasamsam ng PNP CamSur , RPDEU Team Naga- CamSur at PDEA sa buybust operation sa Pili Camarines Sur subalit nagresulta ito sa pagkasawi ng 36-anyos na suspek.
Ala 1:00 ng madaling araw nitong Oktubre 26, ikinasa ang operasyon sa Brgy Palestina, higit isang kilo ng pinaghihinalaang shabu ang nakumpiska sa inilatag na high impact operation laban sa suspek na si Alvin Baldoza y Gamayan residente ng Brgy Agos, Bato, Camarines Sur.
Ayon sa ipinaabot na ulat ng Camarines Sur Police Provincial Office (CSPPO), ang pomosteng buyer ay matagumpay na nakabili ng isang pakete ng selyadong plastic mula sa suspek na naglalaman ng 100-gramong pinaghihinalaang shabu sa transaksyong P300,000.00.
Ayon pa sa PNP habang papalapit ang operatiba dali-daling binunot ng suspek ang kanyang kalibre .45 pistola at pinaputukan ang poseur buyer na maswerte namang nakailag. Pinakiusapan ng mga kapulisan ang suspek ngunit hindi ito nagpatinag bagkus patuloy na nagmatigas at muling pinaputukan ang mga operatiba. Upang depensahan ang kanilang sarili napilitang gumanti ng putok ang mga kapulisan at tinamaan ng dalawang beses ang suspek.
Niresposehan ng MDRRM Pili subalit ayon sa responders patay na ang 36-ayos na suspek.Sa ginawang body frisk, nakuha kay Baldoza ang 900 gramong droga. Sa kabuoan, umabot sa isang kilong shabu ang nakuha mula dito na may standard price na 6.8 milyong piso.
Si Baldoza ay drug surrenderee sa kasagsagan ng Oplan Tokhang, kinikilalang bodegero at supplier ng droga sa Camarines Sur partikular na sa Rinconada Area o ika-limag distrito ng lalawigan, maging sa ikatlong distrito ng Probinsya ng Albay. Ang supply nito ay nagmumula pa sa New Bilibid Prison (NBP).
Sa gitna ng pandemya tuloy ang kampaya ng mga otoridad laban sa nasa iligal na transaksyon na sumisira sa kinabukasan ng maraming Pinoy.