BARMM magpapatayo ng RHU sa 63 Barangay!

COTABATO CITY – MAGPAPATAYO ang Ministry of Health- BARMM ng tig-isang Rural Health Unit sa bawat cluster ng 63 barangays ng Special Geographic Areas ng BARMM.

Sinabi ni MOH Deputy Minister Dr. Zul Qarneyn Abas, na on going na ang konstruksyon para sa pagpapatayo ng nasabing mga pasilidad at inaasahan na magiging fully operated na ito sa susunod na taon.

Read More:  Ancestral domain application in Negros filed in 2005 wins NCIP approval

Sinimulan ang pagpapatayo sa mga nabanggit na Health facilities para sa 63 SGA barangays matapos aprubahan ng pamahalaang Bangsamoro ang inilaang Php 262.8 milyong pondo para dito.

Kinabibilangan ng 63 units ng Barangay Health Stations na mayroong kabuuang pondo na 201.6 million pesos, walong Rural Health Units na may 51.2 million at isang TTMF na may 10Million pondo suma total ay nasa 262.8 million pesos.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Ang nasbaing pondo ay mula sa 1.1 Billion mula sa Tiyakap fund dagdag pa ni Deputy Minister Abas.