Kontra ang lider ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao sa panukalang paghiwalay ang Mindanao sa Pilipinas.
Malaki na aniya ang iniusad ng kasunduan para sa kanilang mga Bangsamoro.
Tingin naman ng isang Muslim rights group, bangayan lang sa pulitika ang panukala.
Hinihikayat ng Bangsamoro ang publiko na protektahan peace process sa MILF at suportahan ang kasalukuyang adminsitrasyon para sa kapayapaan.
Ayon naman kay Presidential Adviser on Peace Reconciliation Sec. Carlito Galvez dapat talikuran ang mga panawagan na mag de-destabilize sa bansa tulad ng paghiwalay ng Mindanao sa Pilipinas.
Sinabi pa ni Galvez na ang ganitong panawagan ay kontra sa prinsipyo ng bansang nakikinabang sa bunga ng peace process na tumuldok sa dekada ng armadong pakikibaka sa Mindanao.
