Hawak na ng pulisya ang video ng mismong pagsabog sa isang pagawaan ng paputok sa Cabuyao, Laguna.
Makikita sa kuha ng CCTV ang isang batang tumatakbo kasunod na nito ang malakas na pagsabog.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa nangyaring insidente.
Base sa pinakahuling ulat apat na indibidwal na ang namatay sa pagsabog habang lima naman ang sugatan.
