Barista, nahulihan ng hinihinalang marijuana sa drug buybust operation.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang isang Vince Julian Pimentel Lucero alias, 22 anyos matapos mahuli sa drug buybust operation  ganap na alas-onse ng umaga ngayong Biyernes, ika- 3 sa Setyembre.

Read More:  Possible tawas, not shabu, found in Bacolod student’s bag, police say

Ang nagsagawa ng operasyon ay City Police Drug Enforcement Unit ng  Puerto Princesa City Police Office at Anti- Crime Task Force sa panunguna ni Richard C. Ligad kasama ang PDEA.

Nakumpiska sa suspek ang isang sachet na may lamang hinihinalang dried Marijuana. Nang kapkapan ang suspek ay nakuha sa kanya ang 3, 000 pesos na buy-bust money, cellphone (Oppo) na umano ay naglalaman ng drug transaction ng suspek at isang motorsiklo.

Read More:  Dumanjug Mayor’s driver’s license suspended for 90 days after viral crash in Cebu

Tinatayang aabot sa 50.00 gram ang timbang ng ebidensya na nagkakahalaga ng tatlong libong piso.