PH, nakapagtala ng 20,310 new COVID-19 infections; active cases pumalo na sa 158K


Nakapagtala ang bansa ng 20,310 bagong COVID-19 infections ngayong araw, dahilan para pumalo na ang total case count sa 2,040,568.

Ayon sa Department of Health (DOH), ito ang pangalawang pinakamataas na daily infections rate mula ng pumutok ang pandemya.

Read More:  PNP identifies two suspects in Mima Alicia killing

Dahil sa bagong infections, umakyat na sa 158,994 ang active cases sa bansa.

Sa bilang na ito, 96.5 percent ang mild, 1.1 percent ang asymptomatic, 1 percent ang severe, at 0.5 percent ang nasa kritikal na kondisyon. 

Read More:  Rescued Philippine Eagle Sawaga-Dalwangan dies during rehabilitation

Umabot naman na sa 1,847,701 ang total recoveries, matapos na gumaling ang 7,710 pang pasyente.

Samantala, nasa 33,783 na ang kabuuang bilang ng nasawi sa nasabing virus matapos makapagtala ang bansa ng 193 bagong fatalities.