CabSec Nograles suportado ang binuong IRR para sa Magna Carta for the Poor

Muling iginiit ni Cabinet Secretary Karlo Alexie Nograles ang kanyang personal na pagnanais na mapaunlad ang buhay ng mga kapos-palad na mamamayan.

Sa kanyang mensahe sa signing ng Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Magna Carta for the Poor, sinabi ni Nograles na maliban sa pagtukoy sa lebel ng kahirapan mahalaga din na magkaroon ng konkretong solusyon para maiahon dito ang mga kababayang naghihirap.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Naniniwala din ang kalihim na dapat mapalakas ang mga Local Government Units para maipatupad ang mga ‘pro-poor policy’ ng pamahalaan.

Maliban kay Nograles dinaluhan ang IRR signing nina NAPC Secretary and Lead Convenor Noel Felongco, NAPC Vice Chairperson for the Basic Sector Ka Uper Aleroza, DSWD Secretary and HDPRC Chairperson Rolly Bautista, Sectoral Representative Joy Garcia, at iba pang kinatawan mula sa mga NAPC member agencies at local government leagues.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Ang Republic Act 11291 o mas kilala bilang Magna Carta for the Poor ay nilagdaan ni Pangulong Duterte noong April 2019 na naglalayong tuldukan ang kahirapan sa pamamagitan ng pagbuo mg komprehensibong mga programa.

Naniniwala naman si Nograles na ang pagkakabuo ng IRR ay malaking hakbang sa bahagi ng gobyerno sa pagsusulong na maprotektahan ang kapakanan ng mga mahihirap nating kababayan.