Barcelona fans dumagsa sa bahay ni Leonil Messi matapos ang pag-alis sa ball club

Nagtipon-tipon ang Barcelona fans sa bahay ni foofball future hall of fame Leonel Messi matapos i-anunsiyo nito ang pag-alis nito sa ball club.

Nagkukumahog ang mga fans na masilayan ang itinuturing nilang ‘greatest player ever’ na naging bahagi ng team sa loob ng 21-taon.

Nitong Linggo nang emosyunal na magpaalam si Messi sa Barcelona kung saan iginugol niya ang kanyang buong career.

Kinumpirma din nitong nakikipag-usap siya sa French club na Paris St Germain para sa kanyang susunod na kabanata ng kanyang karera sa football.

Ilang fans naman ang dismiyado sa Barcelona dahil wala umano itong ginawa upang manatili ang Argentinian football great.