Barangay tanod, sinaksak ang nakaalitan sa Pagbilao, Quezon

Sugatan ang isang lalaki matapos itong saksakin ng nakaalitang barangay tanod sa Barangay Bantigue, Pagbilao, Quezon nitong Lunes, Hulyo 1.

Sa isinagawang imbestigasyon ng mga awtoridad, parehong nasa ilalim ng impluwensya ng alak ang 74-anyos na suspek at ang biktima nang magkaroon ng pagtatalo ang mga ito.

Read More:  2 boys found dead inside abandoned vehicle in Cebu

Doon na sinaksak ng suspek ang biktima sa dibdib gamit ang balisong kung saan agad din naman itong naawat ng kanilang mga kasama.

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu

Samantala, isinugod naman sa hospital ang biktima matapos ang insidente habang ang suspek naman ay naaresto ng mga awtoridad.

Sa ngayon, nasa kustodiya ng Pagbilao Municipal Police Station ang suspek para sa kaukulang disposisyon.