‘The Monster’ ship ng China, balik na naman sa teritoryo ng Pilipinas

Muli namang na-monitor sa teritoryo ng Pilipinas ang pinakalamalaking coast guard ship sa mundo na pagma-mayari ng China na kung tawagin ay ‘The Monster’.

Sa X post ni SeaLight Director Ray Powell – namataan ang 165-meter China Coast Guard 5901 sa loob ng exclusive economic zone ng Pilipinas sa Ayungin Shoal.

Kasama rin nito ang iba pang CCG ship na 5203, na may laking 102 meters.

Maliban pa rito, nagsagawa rin ng ‘intrusive patrols’ ang CCG 3302 ship sa may bahagi muli ng Palawan kahapon.

Kung maaalala, nagkasundo na raw ang Pilipinas at China na i-deescalate ang tensyon sa South China Sea.

Nangyari ang agreement sa Bilateral Consultation Mechanism sa South China Sea sa pagitan nina Philippine Foreign Affairs Undersecretary Ma. Theresa Lazaro at Chinese Vice Foreign Minister Chen Xiaodong.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *