Isasailalaim sa granular lockdown ang dalawang barangay sa bayan ng Subic Zambales.
Ito ay dahil isa ang dalawang barangay sa may mataas na bilang ng mga tinatamaan ng corona virus disease at sunod- sunod na ang mga pamilyang nagkakasakit.
Kabilang sa barangay na maaapektuhan ay ang barangay San Isidro at barangay Sto.Tomas.
Dahil dito ay pinapaiwas muna ng lokal na pamahalaan ng Subic ang mga bibisita sa lugar na iwasan munang pumunta dito para na rin sa kaligtasan ng pamilya na makaiwas sa banta ng corona virus disease. // Michelle Lopez – BNFM Olongapo
