Sen. Go naghain ng kandidatura para sa vice-president position

Pormal na naghain ng kanyang kandidatura si Senador Christopher Bong Go para sa posisyon ng Vice- President.

Inakala ng lahat na sasamahan lang nito si Pangulong Rodrigo Duterte para maghain ng certificate of candidacy lalo’t ang Pangulo ang unang nagsabi na tatakbo ito sa naturang posisyon.

Read More:  House prosecutors say VP Sara Duterte’s high ratings won’t affect impeachment trial

Sa talumpati ng senador sinabi ni Go na sakaling palarin, makatitiyak umano ang taumbayan na hindi lamang siya magiging ‘spare tire’ ng mananalong presidente.

Read More:  LTFRB reviewing measures amid looming fuel price increase

Ayon kay Go magkakaroon umano ng isang working vice president ang bansa.

Layon naman ni Go na maipagpatuloy ang magagandang nasimulan ni Pangulong Duterte.