Pinapayuhan ang mga Bar examinees na simulan na ang kanilang self-quarantine bilang paghahanda para sa January 23 at 25 tests.
Sa kanilang bagong Bar bulletin, sinabi ng Supreme Court na ang mga Bar examinees na magpopositibo sa COVID-19 ay hindi papapasukin sa kanilang local testing centers.
Kaugnay nito, ang mga fully vaccinated examinees ay sasailalim sa isang antigen test sa loob ng 48 hours bago ang January 23, habang ang mga unvaccinated examinees ay kailangang magpresenta ng negative RT-PCR test results na kinuha sa loob ng 72 oras bago ang unang examination.

Samantala, ang mga examinees naman na nakarekober na mula sa virus ay required parin sa sumailalim sa testing.
Nabatid na mayroong 11,790 examinees ang kukuha sa nalalapit na Bar examination, kung saan sa kauna-unahang pagkakataon ay binawasan ito sa dalawang Linggo nalang, mula sa apat na Linggo, na may apat na sets ng examinations, mula naman sa usual na walong subjects, dahil sa banta ng COVID-19. //MHEL PACIA-TRINIDAD