Nanawagan ang Palasyo sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na palawakin ang kanilang home care package para sa COVID-19 patients, at isama ang RT-PCR test costs.
Ayon kay acting presidential spokesman Karlo Nograles, ito umano ay para masaklaw ng Philhealrh ang mga naggagamot ng kanilang sarili sa bahay.
Tinutukoy ni Nograles ang COVID-19 Home Isolation Benefit Package (CHIBP) para sa mga asymptomatic o may mga mild symptoms ng COVID-19.

Nabatid na kabilang sa mga serbisyo sa ilalim ng CHIBP ay ang provision para sa home isolation kit na naglalaman ng alcohol, thermometer, pulse oximeter, face masks, medicines, at vitamins; daily teleconsultation sa loob ng 10 araws; patient education; at referral papunta sa high-level health facilities kung kinakailangan. //MHEL PACIA