Pinalagan ng ilang mga mambabatas ang ginawang babala ng Commission on Elections sa mga kritiko nito na ipa-aaresto sila sa Armed Forces of the Philippines.
Matatandaang nagbabala si Comelec Commisisoner Rey Bulay na hindi sila magdadalawang isip na ipakulong ang sinumang mangugulo sa halalan, at gayun na rin ang ke-kuwestyon o babatikos sa preperasyon ng Comelec.
Para kay Senate Minority leader Frank Drilon, hindi raw dapat magbalat-sibuyas ang Komisyuner lalo na’t nagtatanong lang daw ang publiko sa kahandaan ng poll body sa halalan.
Giit ni Drilon, wala namang mali sa panawagan ng publiko na magkaroon ng tapat na halalan.
Para naman kay Comision on Human Rights Chairperson Leah Armamento, ang kritisismo ay bahagi ng freedom of expression.
Tinawag naman na ‘counterproductive’ at abuse of authority’ ng poll watchdog na Kontra Daya ang babala ni Dulay.
Giit nito, ang mandatong PNP at AFP ay siguruhing ligtas at payapa ang halalan, at hindi habulin ang mga kritiko ng Comelec.
#
