Lumarga na ngayong araw ang pagtuturok ng 4th dose o ang 2nd dose ng booster shot kontra COVID-19 para sa mga immunocompromised sa ilang vaccination sites sa Metro Manila.
Sa isang panayam, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque lumarga na ang unang bahagi nito sa Valenzuela Medical Center, Tala-Jose Rodriguez Memorial Hospital sa Caloocan City, at Philippine Children’s Medical Center sa Quezon City.
Bukas naman inaasahang susunod na rin ang iba pang mga LGUs at mga lugar sa labas ng NCR.
Kabilang sa mga eligible sa ‘immunocompromised sector’ ay ang mga indibidwal na mayroong malalang sakit, cancer, mga nagda-dialysis, nagkaroon ng transplant operations, may HIV, at iba pang mayroong immunodeficiency.

Target ngayong araw na mabakunahan ang nasa 12,000 – 14,000 na indibidwal.
Samantala, pinag-aaralan pa ngayon ng mga eksperto kung kailan mauumpisahan ang 2nd booster dose sa mga senior citizens at mga health care frontliners.
#