Bangkay ng menor de edad na hinihinalang ginahasa, natagpuan sa kakahuyan sa Cavite

Naagnas na nang matagpuan ang bangkay ng isang 11-anyos na babae sa kakahuyan sa General Trias, Cavite.

Ayon sa pulisya, nakita ng isang residente ang katawan sa kakahuyan habang naghahanap ng mga labong o bamboo shoot.

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Hinihinalang ginahasa ang biktima bago pinatay dahil tanging ang underwear na lamang ang suot nito.

Dalawang araw nang napaulat na nawawala ang batang babae.

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case

Ayon sa ama ng bata, noong linggo ng gabi pa huli niyang nakita ang kanyang anak at humingi pa raw ng pera.

Isasailalim sa post mortem examination ang bangkay para makumpirma kung ginahasa ang bata.