Nakilala na ang natagpuang bangkay ng isang lalaki kahapon sa Purok 3c, Bgy. Calapacuan, Subic, Zambales.
Ayon kay Pmaj. Noel Sitjar, OIC-Chief ng Subic MPS, itinapon lamang sa lugar ang biktimang si Leonardo Lorenzo Roxas na residente ng Mexico, Pampanga.
Huling nakita ang biktima nitong Feb. 22 ng hapon matapos itong lumabas mula sa ospital na pinagtatrabahuan sakay ng kanyang silver Ecosport may plate number na NDQ 6540.
Sa ngayon ay hindi pa nakikita ang sasakyan kaya kung sinuman ang nakakita o makakakita nito ay maaaring makipag-ugnayan sa mga otoridad.
Ayon naman sa hipag ng biktima, walang kaalitan o kaaway si Roxas at isa itong napakabait na tao.
Hindi rin umano umuuwi ng gabi na ang biktima kaya nang hindi na ito makauwi nakaraang Martes ay nagtaka na ang pamilya.
Samantala, kaugnay nito, mayroon na rin umanong lead na sinusundan ang pulisya at mayroon na ring nakuhang cctv footage.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
