COMELEC-Bicol at PRO-5, mas pinaigting ang pagpapatupad ng ‘comelec checkpoint’ at ‘gun ban’

BNFM BICOL—Habang papalapit nang papalapit ang eleksyon, ay mas pinaiigting naman ng Commission on Election o COMELEC-Bicol  at ng Police Regional Office 5, ang umiiral na COMELEC checkpoint at ‘gun ban’ sa iba’t-ibang panig ng rehiyon.

Sa isang panayam inihayag ni PMaj. Malu Calubaquib – tagapagsalita ng PNP-Bicol na umabot na sa 47 mga indibidwal ang nasampolan at kanilang inaresto matapos na lumabag sa nasabing polisiya habang nasa 48 na rin ang mga nakumpiskang baril at nakamamatay na armas mula sa mga ito.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Sa naturang bilang, pinakamarami ang mga naaresto sa lalawigan ng Masbate na mayroong 22; pito sa Camarines Sur at Sorsogon; may lima ang Albay at anim naman sa Camarines Norte.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Dagdag pa ni Calubaquib, mas istrikto nilang binubusisi ang mga kaukulang dokumento sa mga dumadaan ng checkpoint upang masigurong sinusunod ng mga ito ang direktiba at guidelines mula sa COMELEC. Matatandaang umarangkada ang pagpapatupad ng nasabing polisiya sa pagsisimula ng election period nitong January 9, na magtatapos naman sa June 8,2022.###