Bangkang sinasakyan ng dalawang mangingisda, tumaob sa karagatang sakop ng Sta. Rita Aplaya, Batangas City

BATANGAS CITY – Matagumpay na nasagip ng Coast Guard Station Batangas ang dalawang mangingisda matapos tumaob ang kanilang sinasakyang bangka sa karagatang sakop ng Sta. Rita, Aplaya, Batangas City.

Kinilala ang mga mangingisda na sina Cyrel Tilo at Kimwell De Guzman na pawang mga residente ng naturang lugar.

Batay sa report, nakatanggap ng tawag ang CGSS Batangas mula sa isang security guard hinggil sa naganap na insdente kay agad nila itong nirespondehan.

Ayon sa salaysay ng mga biktima, pumwesto sila sa isang bahagi ng bangka upang hilahin ang hook para mahuli ang isda, ngunit sa kasamaang palad ay tumaob ang kanilang sinasakyan.

Sa ngayon ay, nasa maayos ng kalagayan na ang mga mangingisda gayundin ang kanilang bangkang gamit sa pangingisda.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *