Mahigit 3.7 milyong halaga ng fertilizer discount voucher, matagumpay na naipamahagi sa mga magsasaka sa Oriental Mindoro

BATANGAS CITY – Matagumpay na naipamahagi ng Department of Agriculture ang mahigit 3.7 milyong halaga ng fertilizer discount vouchers sa mga magsasaka ng Baco, Oriental Mindoro.

Sa pangunguna ng kasalukuyang alkalde ay naipamahagi sa 889 na magsasaka ang naturang discount voucher na may kabuuang halaga na P3,740,850 pesos.

Layunin umano ng programa na mapalakas ang produksyon ng pagsasaka at mabawasan ang gastusin ng mga magsasaka lalong higit sa pagbili ng mga abono.

Kaugnay nito, labis naman ang pasasalamat ng mga benepisyaryo mula sa ahensya dahil sa tulong na natanggap ng mga ito.

PHOTO COURTESY: Municipality of Baco

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *