Oplan checkmate ng Batangas Police Provincial Office, umarangkada na sa Lipa!

BATANGAS CITY – Sa pakikipagtulungan ng Lipa Component City Police Station, Traffic Management Division, at Advocacy Support Group naging matagumpay ang isinagawang Oplan Checkmate sa Lipa City, Batangas.

Layon ng naturang operasyon na masugpo ang mga krimen kung saan karaniwang sangkot ay ang mga naka motorsiklo.

Ayon sa report, ang mga rider na mayroong minor traffic violation ay makakatanggap ng pansamantalang permit o citation, habang ma-i-impound naman ang mga motor na mapapatunayang may serious infraction.

Samantala, hinihikayat naman ng mga awtoridad ang publiko na makipag tulungan sa nasabing operasyon ng mga kapulisan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *