Balud, Masbate kasama sa fishing ban dahil sa ‘closed fishing season’

SORSOGON CITY – Napasama ang Balud, Masbate, bilang parte ng Visayan Sea, sa fishing ban sa mga commercial fishing vessels.

Bunsod nito, bawal manghuli ng tamban at galunggong upang makapag reproduce muna.

Ang closed fishing season ay nagsimula noong Nobyembre 15 ng nakaraang taon hanggang Pebrero 15 ng kasalukuyang taon.

Read More:  Duterte slams Tinio over Davao flood complaint, questions Marcos admin silence

Ayon sa tagapagsalita ng BFAR Bicol na si Nonie Enolva, sapat umano ang suplay ng galunggong sa rehiyon hindi tulad ng ibang mga rehiyon sa bansa at Maynila na ramdam ang kakulangan ng nasabing isda.

Read More:  2 former NPA members surrender in Eastern Samar, Negros

Aniya pa, sapat man ang supply ng galunggong sa Calabanga Camarines Sur mayroong mabibiling frozen galunggong sa ilang merkado publiko halimbawa sa Pili.

Umaabot naman sa P160.00 ang presyo ng bawat kilo ng nasabing isda sa Naga City People’s Mall.