Viral na learning module pina-iimbestigahan na ng DepEd

Inihayag ng Department of Education (DepEd) na iniimbestigahan na nila ang nagviral na learning module na nagsabi sa mga estudyante na makapanayam ang isang tao mula sa panahon ng Kastila.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ng DepEd na ang module, na kumalat online, ay hindi binuo o sinuri ng ahensya.

Read More:  Palace urges VP Sara to answer before Impeachment Court

Batay umano sa beripikasyon ng DepEd Error Watch, napag-alaman na ang materyal na pinag-uusapan ay hindi galing at hindi rin quality-assured ng anumang tanggapan ng DepEd.

Nakasaad sa learning material ang takdang aralin na nagsasabing “magtanong sa isang taong nakaranas ng panahon ng Espanyol” at ilista ang kanilang mga karanasan.

Read More:  Pangilinan investigates alleged abuse of the Sagip Saka Law

Nabatid na ang Pilipinas, na nasa ilalim ng pamumuno ng mga Espanyol sa loob ng mahigit 330 taon, ay nagdeklara ng kalayaan mula sa Espanya noong 1898.