Maalong karagatan asahan hanggang sa susunod na linggo, mga malilit na sasakyang pandagat pinapayuhang huwag munang pumalaot

CAMARINES NORTE- Inihayag ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration o Pagasa na asahan ang maalong karagatan hanggang sa susunod na linggo o kahit pagkatapos pa ng kapistahan ng Nuestra Senora de Candelaria sa Paracale, Camarines Norte ngayong araw.

Mayroon kasing paniniwala ang mga taga Camarines Norte partikular ang mga mangingisda na bubuti na ang lagay ng panahon pagkatapos ng kapistahan sa naturang bayan.

Pero paglilinaw ni Pagasa Daet weather observer Lorie Salvador, hanggang Pebrero 8 pa mararanasan ang ganitong lagay ng panahon at sa loob ng panahong ito ay mapanganib ang paglalayag lalo na ng mga maliliit na bangka.

Read More:  P6-M smuggled goods seized at Dumaguete Port

Pagkatapos ng Pebrero 8 ay unti- unti umanong hihina ang amihan pero mayroong mga pagkakataong muli itong lalakas.

Pinaalalahanan ni Salvador ang mga mangingisda  na huwag makipagsapalaran dahil kahit minsang magiging kalmado ang karagatan ay bigla itong lalakas lalo na kung hatinggabi.

Read More:  4 NPA members surrender after death of top leader in Surigao clash

Sa ngayon ay Shear Line ang nakakaapekto sa eastern section ng Luzon habang trough ng Low Pressure Area naman ang nakakaapekto sa southeastern section ng Mindanao.

Kanina ay muling nagpalabas ng Sea Travel Advisory ang Camarines Norte Coast Guard Station.

Batay dito,  asahan na magiging maalon hanggang sa napakaalon ang kundisyon ng karagatan tinatayang nasa 2.8- 4.0 metro ang taas ng alon.